30 April 2020
Mga kababayan,
Ayon sa Federal Office of Public Health (FOPH), mababawasan pa ang restriction measures tungkol sa COVID-19 simula sa Lunes, May 11.
Ilan sa mga importanteng nilalaman ng announcement ang mga sumusunod:
- Bibigyan na ng pahintulot na magbukas ang primary at lower secondary school, restaurant, museum, library, sports facilities, at iba pa. May mga kondisyon ang pagbukas. Sa restaurant, halimbawa, hanggang grupo lang ng apat ang pwede, liban na lang sa pamilyang may kasamang anak.
- Patuloy pa rin dapat ang social distancing, hygiene, at work-from-home, kung maaari.
- Malamang naman na papayagan na rin ang mga sumusunod simula sa June 8, depende sa mangyayari sa mga darating pang araw: pagtitipon-tipon ng higit sa lima, mga sinehan, religious services, at iba pa.
Kasama ng advisory na ito ang isang infographic galing FOPH para makatulong sa pagkalat ng impormasyon. Para sa detalye, mababasa ang buong announcement sa English sa sumusunod na website:
Hinihikayat po ng Philippine Mission ang lahat ng Pilipino sa Geneva at Vaud na, bagamat nagsisimula nang bawasan ang restriction, ipagpatuloy pa rin ang pag-iingat. Sumunod pa rin sa social distancing, ugaliin ang paghuhugas ng kamay, umiwas sa mataong lugar, at lumabas lamang kung kinakailangan.
Salamat po.
END