1 April 2020
Re: Free Filipino movies, documentaries, and other materials online
Nag-iisip po ba kayo ng magagawa habang naka-isolation o quarantine? May mga libreng pelikula at documentary na mapapanood online mula sa National Commission for Culture and the Arts (NCCA) at National Historical Commission of the Philippines (NHCP).
Halimbawa, may mga handog ang Cinema One sa website na https://www.youtube.com/CinemaOnePH gaya ng “That Thing Called Tadhana,” “Sa North Diversion Road,” at “Anino,” isang short film ni Raymond Red na naparangalan sa 2000 Cannes Film Festival.
Mahilig po ba kayo sa mga pelikula ng Regal Films? Makikita sa https://www.youtube.com/user/regalcinema/featured ang mga sikat na pamagat tulad ng “Aswang,” “Good Morning, Titser,” at “Sanib”; regular po ang update ng listahan.
Para naman sa mga mahihilig sa kasaysayan, bisitahin po ang YouTube channel na https://www.youtube.com/channel/UCJJPVFOBfAT7ssbpOrqX_hg/videos at panoorin ang “Jose Rizal: Sa Landas ng Paglaya,” “Apolinario Mabini: Talino at Paninindigan,” “Maypagasa: Ang Bantayog ni Andres Bonifacio,” “Kababaihan ng Rebolusyon,” at iba pa.
May anak po ba kayo na Filipino-Swiss at gustong ipakilala ang Pilipinas? May Children’s Corner ang NCCA sa https://ncca.gov.ph/childrens-corner/#childrenscornerslider.
Subukan din po ang mga sumusunod:
- Museo ni Apolinario Mabini – PUP (NHCP):
https://www.youtube.com/watch?v=ok73HpOspbE
https://www.youtube.com/watch?v=XEgQ-zWa7KE
- Museo ni Jose Rizal, Calamba (NHCP):
https://www.youtube.com/watch?v=teS7PcOIn_g
- Museo ng Katipunan Pinaglabanan Memorial Shrine MK PMS (NHCP):
https://www.youtube.com/watch?v=yEVqtx5V7Cc
- Museo ni Manuel Quezon (NHCP):
https://www.youtube.com/watch?v=cz54rGo5oeU&t=177s
- Museo ni Miguel Malvar (NHCP):
https://www.youtube.com/watch?v=epuXxM_vnCM
- Project Destination (NCCA’s mini-TV Series of Philippine Culture and Filipino Values):
https://www.youtube.com/watch?v=bu_-2Yn4aXM&list=PLQb23rwdp6lJW38nxHJrpiELnnwbNmI3B&index=2&t=0s
Maganda rin ang inilunsad ng NCCA na Paper Craft Series noong 2016. Nagtatampok ito ng ilan sa mga makasaysayan at kilalang National Heritage Sites ng Pilipinas katulad ng Rizal Monument, Manila Metropolitan Theater, Rice Terraces, Aguinaldo Shrine, Quezon Memorial Circle, at iba pa. Pwede po ninyong i-download ang PDF file ng bawat modelo o iskulturang mabubuo sa papel, kasama ng gabay sa paggawa ng paper sculpture, sa:
Makikita po ang buong listahan sa Facebook account ng NCCA (https://www.facebook.com/102219061381785/posts/123095612627463/) at ng NHCP Museums (@historymuseumsPH). Lagi po itong ina-update, at kalakip nito ang iba pang nakatutulong na impormasyon gaya ng libreng pelikula ng TBA Studios, Lockdown Cinema (may donation na kailangan), at iba pa.
Marami pong salamat at patuloy po tayong mag-ingat lahat!
END