MENU

 

 

 

 

 

6 April 2020

 

Re: Discrimination against those with COVID19 or those with related symptoms

 

           

Sa panahon ng COVID19, mahalaga po na ipagpatuloy natin ang pagtutulungan at iwasan ang diskriminasyon, lalo na sa mga kababayan natin na may COVID o may sintomas ng sakit.

 

“Sa panahong ito, maki-isa at maging maunawain sa iba. Ang pangungutya ay maaaring magdulot ng hiya o takot na magiging dahilan ng pag-iwas ng mga tao na kumonsulta sa doctor o magpa-test” – isa ito sa mga mensahe ng UNICEF-Philippines patungkol sa bullying at diskriminasyon na pwedeng maranasan ngayon.

 

Ayon din sa UNICEF, hindi dapat i-discriminate ang grupo o pamilya na naapektuhan ng COVID dahil walang pinipili ang sakit. Huwag mag-share ng haka-haka o tsismis na magdudulot lang ng takot. Hindi rin dapat pandirihan ang mga health workers.

 

Makikita ang buong post sa Facebook page ng UNICEF-Philippines. Ibahagi po natin sa lahat ang kanilang mensahe. Hindi dapat ikahiya ang sakit, at hindi dapat pahiyain ang may sakit.

 

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=10158637894040572&id=102248760571&refid=52&__tn__=%2As-R

 

 

 

END