MENU

16 April 2020

 

Kasabay ng pag-relax ng Geneva at Vaud ng quarantine measures, magbubukas muli ang Philippine Consulate at Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa publiko sa April 27, 2020 (Lunes),

 

Bilang pagsunod sa patuloy na social distancing at habang dahan-dahan pang bumabalik sa normal ang Geneva at Vaud, ang consular section at labor office ay magiging bukas para sa mga may appointment, tuwing Lunes, Miyerkules, at Biyernes, mula 10AM hanggang 3PM.

 

Pwede nang pumunta ngayon sa susunod na link para makakuha ng appointment tungkol sa passport, SPA, overseas voting registration, visa, dual citizenship, at iba pa, simula sa April 27:

 

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfBEPyIH91kMWG_BGZqL2UEOcWd--OHu4dfeU5xy8AqGCt4CQ/viewform

 

           

Sa ngayon, ang mga may appointment lang po ang makapapasok sa loob ng Philippine Mission. Sa mga may appointment, iwasan pong magdala ng kasama para masiguro ang social distancing.

 

Kung may emergency tulad ng pagkamatay o Violence Against Women and Children, tumawag po agad sa hotline ng konsulado (079-1369114) o labor office (077-9553147). Upang masiguro na makakapasok ang emergency calls, hinihiling po namin na gamitin ang email sa iba pang klaseng katanungan (This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.).

 

Manatili pong naka-antabay sa mga susunod na Advisory ng Philippine Mission, para sa mga updates na iaayon sa gabay ng mga autoridad patungkol sa sitwasyon ng pandemic dito sa Switzerland.

 

Maraming salamat po!

 

 

 

END