MENU

6 May 2020

Link para sa consular appointment:

https://docs.google.com/forms/d/e/1FAIpQLSfBEPyIH91kMWG_BGZqL2UEOcWd--OHu4dfeU5xy8AqGCt4CQ/viewform

Link para sa DOLE-AKAP:https://docs.google.com/forms/d/1CwOHvVzKZpelcSGt01s-jweECA5tUPNYjOHPAXjhvcE/viewform?edit_requested=true

Tuwing kalian bukas ang konsulado?

 

            Simula sa Lunes, 11 May 2020, araw-araw na ulit bukas ang consular section para sa passport, special power of attorney, dual citizenship, overseas voting registration, visa, at iba pa, ngunit mananatili po itong by appointment only.

 

            Bilang pagtugon sa social distancing at iba pang health measures ng Switzerland, alalahanin po natin ang mga sumusunod:

  • Dumating sa consulate limang minuto bago ang appointment. Para sa kaligtasan ng publiko, nagdi-disinfect po ang consulate pagkatapos ng bawat transaction.
  • Isang tao lang po ang pwede sa bawat isang appointment. Kung dalawang miyembro ng pamilya ang kailangan ng passport, ibig sabihin ay dalawang magkasunod na appointment ang kailangang kunin.
  • Huwag na pong magdala ng kaibigan, kamag-anak o iba pang kasama. Ang may appointment lang ang pwedeng pumasok sa konsulado.
  • Kung may maramdamang sakit, ipagpaliban na rin muna ang appointment. Pwedeng i-cancel ang appointment para magbigay-daan sa iba.

Para sa cancellation ng appointment o iba pang katanungan, mag-email po sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

 

Mayroon pa bang Abot-Kamay Ang Pagtulong Program ng Department of Labor and Employment (DOLE-AKAP)?

Patuloy po ang pagtanggap ng Philippine Overseas Labor Office (POLO) ng application para sa DOLE-AKAP. Mag-submit lang ng mga dokumento sa link sa taas at isa-isang tatawagan ng POLO ang mga nag-apply.

Kung kayo po ay dati o kasalukuyang OWWA member na nagkaroon ng COVID-19, ihanda rin ang kopya ng medical certificate, nawalan man kayo ng trabaho o hindi. Makakatulong ito sa pag-access ng ibang tulong mula sa OWWA.

Mag-email po sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para sa karagdagang impormasyon.    END