MENU

 20 April 2020

 

Nais po ba ninyong malaman ang mga karapatan ng domestic economy workers sa panahon ng COVID19?

 

Iniimbitahan ng Task Force Regularisasyon ang lahat sa isang information session na pinamagatang, “Domestic Economy Workers: Knowing your Rights during COVID-19” na gaganapin ngayong Lunes, April 20, 2020, sa ganap na 5:30 PM. Makakasama dito sina Ms. Mirella Falco ng Syndicat Interprofessionel de Travailleuses et Travailleurs (SIT), Mr. Alessandro de Filippo ng Collectif de Soutien aux Sans Papiers (CSSP), at Mr. Lisandro Nanzer ng Entraide Protestante Suisse (EPER).

 

Ito po a follow-up sa naunang session na ginawa noong April 4. Ang link sa registration ay https://us02web.zoom.us/j/86471829309

 

Para sa karagdagang impormasyon at mga tanong, pwede pong mag-email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..

 

 

 

 

Hindi n’yo po ba napanood ang Medical Information Session on COVID19 na ginawa sa Zoom kahapon, April 19?

 

Nasa https://www.facebook.com/groups/678132002941090/ ang buong session, na pinangunahan ng Ugnayang Bayan at UP Alumni Association in Geneva (UPAAG). Mapakikinggan dito ang importanteng impormasyon tulad ng mga “myth” patungkol sa corona virus at mga praktikal na payo para maiwasan ang sakit o alagaan ang sarili at ang mga kasama sa bahay kung may sakit. Ibinahagi ito nina Dr. Peter Francis Raguindin (UP National Institute of Heath), Dr. Dante Salvador, Jr. (Institute for Social and Preventive Medicine, University of Bern), Dr. Ezra Valido (Doctoral Researcher at Swiss Paraplegic Research, University of Luzern), at Dr. Robert Totanes (Technical Officer, WHO).

 

END