17 April 2020
Apektado po ba kayo ng COVID-19 at nag-iisip na bumalik sa Pilipinas?
Gumagawa ngayon ng informal na survey ang Philippine Mission para malaman kung may demand o pangangailangan sa repatriation ng mga Filipino sa Geneva at Vaud na apektado ng COVID-19. Ito po ay SURVEY LANG; wala pa pong nakalatag na detalye, na naka-depende naman sa sagot na amin pong makukuha.
Kung kayo ay naapektuhan nang lubos ng COVID-19 at gusto nang bumalik sa Pilipinas, mag-email lang po sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. gamit ang subject na “Repatriation.”
Mahalagang paalala: ang lahat ng Pilipinong umuuwi ngayon sa Pilipinas ay required na mag-14 day quarantine. Humihingi rin ang DOH ng patunay na walang COVID-19 ang mga pauwing Pilipino. Tutulong ang Philippine Mission na makipag-coordinate sa DOH kung sakaling may mga gusto nang umuwi.
May katanungan po ba kayo tungkol sa COVID-19? May mga Pilipinong doctor sa Switzerland na magbabahagi ng impormasyon, online, sa Linggo, April 19.
Magkakaroon ng Medical Information Session on COVID19 on Zoom sa April 19, Linggo, sa ganap na 5:00 PM. Sa pamumuno ng Ugnayang Bayan Task Force on COVID-19, ang information session ay magtatampok ng mga Pilipinong doctor na kasalukuyang nasa Switzerland: sina Dr. Peter Francis Raguindin (UP-National Institute of Heath), Dr. Dante Salvador, Jr. (Institute for Social and Preventive Medicine, University of Bern), Dr. Ezra Valido (Doctoral Researcher at Swiss Paraplegic Research, University of Luzern), at Dr. Robert Totanes (Technical Officer, WHO).
Ang Meeting ID ay 943 5900 3198. Ang link ay:
https://zoom.us/j/94359003198?pwd=eGluSUdkaGhVUkV4MGU2UGw2dUxQQT09&status=success
Para sa buong programa, kasama ang iba pang detalye gaya ng password sa meeting, bisitahin po ang Facebook page ng Ugnayang Bayan sa https://www.facebook.com/groups/678132002941090/
END