23 April 2020
Pinag-aaralan na ang posibilidad ng isang repatriation flight ngayong April. Kung apektado kayo ng COVID-19, nag-email na ba kayo sa Philippine Mission?
Salamat po sa mga Pilipino na tumugon sa survey ng Advisory No. 19 at nag-email na sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it.. Kung kayo ay lubhang apektado ng krisis sa pandemic, at gusto nang umalis ng Switzerland at umuwi sa Pilipinas, i-email po agad ang pangalan at contact information hanggang Biyernes, April 24.
Bagamat hindi pa sigurado, isa-isa nang tinatawagan ng Philippine Mission ang mga nag-email para mapaghandaan ang posibilidad. Importanteng sumunod sa deadline dahil kailangang ibigay ang pangalan sa mga local government authorities para mapayagan ang pag-alis.
Kung hindi naman po kayo interesado sa voluntary repatriation, hihingi kami ng tulong na ikalat muli ang mensahe na ito sa mga apektadong kababayan sa Geneva at Vaud, likha ng deadline na kailangang sundin.
Saan makakukuha ng online information tungkol sa mga programa ng Pilipinas sa COVID-19?
Narito ang ilan sa mga online resources tungkol sa iba’t ibang programa ng Pilipinas ukol sa COVID-19:
- http://www.covid19.gov.ph/ - website na nagbibigay ng update tungkol sa mga batas, polisiya, at paalala hinggil sa COVID-19; dito rin makakukuha ng kopya ng mga naturang batas, gaya ng “Bayanihan to Heal as One Act,” mga implementing rules and regulations, at mga guidelines
- facebook.com/OfficialDOHgov/ - Facebook page ng Department of Health na maraming health tips at updates
- http://www.doh.gov.ph/covid19tracker - detalyadong statistics tungkol sa mga apektado sa Pilipinas
- https://www.dof.gov.ph/wp-content/uploads/2020/04/We-Will-Rise-As-One-brochure-as-of-Apr-21-2020.pdf - brochure mula sa Department of Finance na nagbabalangkas ng socio-economic strategy ng bansa (Emergency Support for Vulnerable Groups; Resources to Fight COVID-19; Fiscal and Monetary Actions; An Economic Recovery Plan)
- DOH PH COVID-19 – Viber group para sa publiko na ina-administer ng DOH; araw-araw ditong naglalabas ng update, mula sa kalusugan hanggang fact-checking ng mga nagva-viral na impormasyon
END