21 May 2020
Para po sa mga kababayan natin sa Geneva at Vaud na babalik sa Pilipinas gamit ang commercial flight,
Alinsunod sa health measures na kasalukuyang pinatutupad sa Pilipinas, kabilang po ang mga sumusunod sa mga alintuntunin na kailangang sundin:
- Lahat ng dumarating ay kailangang i-test at mag-quarantine. Kasama sa test ang temperature check at RT-PCR COVID-19 test
- Habang hinihintay ang resulta, kailangang mag-quarantine sa isang facility. Para sa kumpletong listahan ng mga facility tulad ng hotel na aprubado ng gobyerno at para makakuha ng kopya ng Case Investigation Form na kailangang i-presenta paglapag sa NAIA, mag-email po sa .
- Depende sa bilis ng pag-process, inaasahang lalabas ang resulta sa loob ng tatlo hanggang limang araw. May mga health official na magpapaliwanag ng mga susunod pang steps ayon sa makukuhang resulta.
- Sagot ng umuuwing Pilipino ang bayad sa test at sa paglagi sa facility. Para sa mga Filipinos in distress, may government facility na maaaring gamitin; pwedeng humingi ng tulong sa mga health officials na nasa airport kung ganito ang sitwasyon.
Pabago-bago pa po ang sitwasyon. Kung hindi urgent o emergency ang byahe, mas mabuting ipagpaliban muna ito habang patuloy pa ang pandemya.
Maraming salamat po.
END