10 June 2020
Mga kababayan,
Patuloy pa rin po ang pagtanggap ng Philippine Overseas Labor Office ng application para sa DOLE-AKAP.
Sa pagbawas ng restriction measures ng Switzerland, pwede na rin pong personal na mag-submit ng mga requirements sa Philippine Overseas Labor Office bukod sa online submission.
Para sa gustong mag-apply at mag-submit nang personal, kumuha lang po ng appointment sa sumusunod na link:
Pumili ng araw at oras na gustong pumunta at tutulong po ang POLO sa pag-accomplish ng mga requirement.
Para sa karagdagang tanong, mag-email po sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..