23 March 2020
Mga kababayan,
Sa ngayon, 23 March 2020, ang Geneva at Vaud ay dalawa sa mga canton ng Switzerland na may pinakaraming naitalang confirmed cases ng COVID. May ilang kaso na po ng confirmed cases sa mga kababayan nating Pilipino.
Nais po naming magbigay ng mga sumusunod na paalala:
- Huwag mag-panic o mag-akusahan. Sundan po ang health protocols ng Switzerland. Lumabas lamang kung kinakailangan at ugaliin ang paghugas ng kamay.
- Kapag nagkaroon ng sintomas, gaya halimbawa ng hirap sa paghinga at mataas na lagnat, tumawag po sa doctor. Documented o undocumented, kailangang sumangguni kayo sa health professional. May mga self-assessment tool online; tingnan po ang kalakip na listahan ng Contact Details (as of 23 March 2020).
- Maaaring may COVID ang tao nang hindi niya nalalaman dahil walang sintomas (siya ay “asymptomatic”). Dahil dito, importante na mag-ingat at manatili sa loob dahil pwedeng mahawa, o makahawa, nang hindi nalalaman ng tao.
- Kailangan nating kumilos na parang bitbit na natin ang virus. Ang health protocol ay hindi lamang para alagaan ang sarili, kundi para protektahan ang iba.
Maliit lang po ang community natin sa Geneva at Vaud. Importante sa panahon ngayon ang pagtutulungan at pagbibigay ng suporta lalo sa mga nangangailangan. Muli, wala pong pinipili ang sakit: pero pwede nating piliin ang bayanihan, simpatiya, at pang-unawa sa isa’t isa. Malalampasan po natin ito.
END