24 March 2020
Para po sa mga kababayan nating undocumented o walang papel:
Kung kayo po ay may sintomas tulad ng hirap sa paghinga at kayo ay nasa at-risk na populasyon (halimbawa, mga elderly at mga may dati nang sakit tulad ng diabetes, hypertension, o cancer), huwag po kayong mag-atubiling lumapit sa medical professional. Tumutulong po sila may papel man kayo o wala.
Kumuha ng self-assessment tool online para malaman kung kailangan na ninyong lumabas ng isolation o quarantine at humarap sa doktor:
http://check.foph-coronavirus.ch/screening
https://coronavirus.unisante.ch/evaluation
Para naman po sa mga kababayan natin na may pa-expire na visa at na-stranded ngayon sa Switzerland dahil sa COVID:
Ayon sa Swiss Permanent Mission, kailangan po ninyong mag-register sa migration service ng lugar kung saan kayo nakatira para mag-request ng “temporary regularization” habang hindi pa makalabas ng Switzerland. Para sa Geneva, halimbawa, ito ay ang Office Cantonal de la Population et des Migrations o OCPM. Ayon din sa Swiss Permanent Mission, pansamantala itong sarado dahil sa COVID, pero maaaring ma-contact gamit ang form na makikita sa sumusunod na link:
https://www.ge.ch/contacter- ocpm
Mag-ingat po tayong lahat at patuloy na magtulungan.
Maraming salamat po!
END