MENU

 

 

 

25 March 2020

 

Dahil po sa mahigpit na batas patungkol sa data privacy ng Switzerland at maging ng Pilipinas, hindi nagbibigay ng impormasyon ang Philippine Consulate sa publiko tungkol sa mga kumpirmadong kaso ng COVID. Ayon din po sa Swiss Federal Office of Public Health, “it is up to the affected persons to contact their respective embassy or consulate to inform them accordingly,” kung ito po ay kanilang nanaisin.

 

May mga nakausap na po ang Philippine Consulate na ilang Pilipino na nag-positive at patuloy ang komunikasyon ng konsulado sa kanila.

 

Hinihikayat po namin ang mga Pilipino sa Geneva at Vaud na nagkaroon ng COVID na makipag-ugnayan agad sa konsulado; handa kaming magbigay ng nararapat na tulong, at makakaasa po kayo na bibigyan namin ng kaukulang proteksyon ang inyong identity.

 

Maraming salamat po sa mga Filipino Community leaders na walang humpay na mino-monitor ang kanilang mga miyembro at nakikipag-ugnayan sa konsulado. Patuloy pa rin po ang aming phone at email brigade.

 

Para naman po sa mga kababayan nating hindi miyembro ng kahit anong organisasyon, himukin natin sila na sundan ang Philippine Consulate sa Facebook o ipadala ang email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para makakuha ng mga update.

 

Sasamantalahin namin ang pagkakataon na ito para ipaalala muli sa mga kababayan sa Geneva at Vaud na sundin ang health guidelines ng Switzerland.

 

Marami po sa mga organisasyon ang may mga nailatag nang programa para sa ikabubuti ng mga miyembro, gaya halimbawa ng online worship service, fund raising, counseling, at regular na kumustahan gamit ang iba’t ibang online applications. Ipagpatuloy po natin ang balitaan sa kalagayan ng isa’t isa.

 

Muli, ito po ang mga hotline ng Philippine Mission: 079-1369114 para sa emergency consular cases at 077-9553147 para sa emergency labor cases.

 

Maaari rin po kayong magpadala ng email sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. para sa ibang katanungan.

 

Maraming salamat po!

 

END