7 April 2020
Re: Rights of domestic workers in Geneva during COVID19
Sa pangunguna ng Task Force Regularisasyon, nagkaroon ng webinar noong Sabado, 4 April 2020; ilan sa binanggit ng guest speaker na si Mr. Alessandro de Filippo (Collectif de soutien aux sans-papiers de Geneve) ay ang mga sumusunod:
- Nawalan ng trabaho dahil sa COVID19. May karapatan kang makatanggap ng sweldo sa buong buwan ng pagkawala ng trabaho (minimum). Kung hindi ka mapa-swelduhan: gumawa ng record, halimbawa sa pamamagitan ng isang maayos na sulat sa employer. Sa mga ayaw nang pumasok dahil walang protection sa trabaho laban sa COVID19, importante na mapatunayan ang kawalan ng protection para makatulong sa negosasyon.
- Lalo na kung walang kontrata, makatutulong ang mga labor union at organisasyon (tulad ng Syndicat interprofessionnel de travailleuses et travailleurs o SIT, Collectif du Soutien des sans Papiers o CSSP, at UNIA).
- Sa mga nasa gitna ng proseso ng regularization (halimbawa, Papyrus) at nangangamba na maapektuhan ng financial difficulty ang application. Subukang humingi ng konsiderasyon mula sa awtoridad dahil sa sitwasyon ng COVID 19; mas maganda ito kaysa mangutang.
- Bayad sa upa sa apartment. Dahil sa COVID 19, extended ang deadline ng bayad mula isang buwan hanggang tatlo.
- Financial assistance. Maaaring lumapit sa social services o sa mga organisasyon tulad ng CARITAS at Centre Social de Protestant.
Kalakip ng Advisory No. 14 ang ilan sa mga dokumento na ginamit sa webinar. Bagamat nasa French, maaaring gumamit ng mga online app para sa translation. Mapapanood ang buong session (English) sa:
Para sa iba pang katanungan, makipag-ugnayan po sa SIT. Ang hotline na kasalukuyang gamit ay 0228180300 (Lunes hanggang Huwebes, 9AM to 12 noon, 2PM to 5PM). Mas nanaisin nila ang pag-email, kung maaari, sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Bumisita din po sa website ng CSSP, EPER, CSP, o CSSI para sa karagdagan pang impormasyon.
END