MENU

 

9 April 2020

Re: Financial assistance for qualified Overseas Filipinos displaced due to COVID19

 

Ipatutupad ng Philippine Government, sa pamumuno ng DOLE, ang Abot Kamay ang Pagtulong (AKAP) program.

 

ANO ANG AKAP? Ito ay One-time financial assistance na USD200 (o equivalent sa Swiss Francs) mula sa DOLE at OWWA para sa qualified na Overseas Filipino.

 

SINO ANG TARGET BENEFICIARY? Ang target beneficiary ay mga Overseas Filipino na active OWWA member (undocumented man o documented), o beneficiary ng Papyrus, o documented worker, na nangangailangan ng tulong dahil lubusan nang nawalan ng trabaho dulot ng COVID19.

            Depende sa pondo na ipadadala sa iba’t ibang Philippine Overseas Labor Office (POLO) sa buong mundo, bibigyan ng priority ng POLO-Geneva ang undocumented worker na OWWA member na may matinding pangangailangan ng tulong.

Dahil dito, humihingi po kami ng pang-unawa sa lahat. Para sa mga may kakayahan pa, o nakakatanggap pa rin ng sweldo, magbigay-daan tayo sa mga kababayan na tunay nang nangangailangan.

 

PAANO MAG-APPLY? Pwede nang magfill-up ng application form sa https://docs.google.com/forms/d/1CwOHvVzKZpelcSGt01s-jweECA5tUPNYjOHPAXjhvcE/viewform?edit_requested=true. Bilang pagsunod sa patakaran ng Geneva at Vaud para mapigilan ang pagkalat ng COVID19, tinitingnan ngayon ang posibilidad ng paggamit ng remittance o cash transfer. Tatawagan ng POLO-Geneva ang mga nag-qualify na Pilipino para sa karagdagang impormasyon.

 

KAILAN MAGSISIMULA? Magsisimula ang distribution sa mga qualified na Overseas Filipino sa oras na dumating ang pondo mula sa Pilipinas.

 

PAANO ANG HINDI MAKAKATANGGAP? Patuloy po ang Philippine Mission sa pakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao at organisasyon para makapagbigay ng tulong. Nagpapasalamat kami sa mga patuloy na nakikipag-ugnayan at maglalabas kami ng hiwalay ng Advisory tungkol sa mga padating pang programa.

SAAN PA PWEDENG HUMINGI NG TULONG? Maaari ding sumangguni sa Chomage (Social Amelioration Assistance) at mga organisasyon tulad ng CARITAS, Centre Social de Protestant, at Colis du Coeur. Kung may alam kayong impormasyon na makakatulong sa kababayan na nangangailangan, pairalin po natin ang bayanihan at ilagay ninyo lang po sa comments section para sa kaalaman ng lahat.

 

END