Mga kababayan,
Para sa kaligtasan ng lahat, pinapaalalahanan po ng Philippine Consulate ang lahat na kailangan ng appointment bago pumunta sa konsulado. Sundan lang po ang sumusunod na link para makakuha ng appointment at siguraduhing i-click ang “SUBMIT” sa dulo:
Para naman po sa mga kukuha lang ng dokumento na tapos nang i-process (halimbawa, “claiming” o “releasing” ng bagong passport): hindi na kailangan ng appointment. Ire-release ang inyong dokumento matapos ang disinfection pagkaalis ng may appointment. Ang oras ng pag-claim ay sa pagitan ng 10:00 AM at 3:00 PM, walang lunch break.
Para sa emergency, ang consular hotline ay 079-1369114 at ang labor hotline ay 077-9553147. Para masigurong bukas ang telepono para sa tunay na emergency gaya ng pagkamatay, human trafficking, o Violence Against Women and Children, magpadala po ng email para sa ibang katanungan sa This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it. at/o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Maraming salamat, at patuloy po tayong sumunod sa mga health protocol at regulation para maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.