Mga kababayan,
Sa pagdeklara ng Geneva ng State of Necessity, alalahanin po natin ang mga sumusunod:
- Para sa ating kaligtasan, sumunod po tayong lahat sa regulasyon at hygiene protocols ng Geneva. Lumabas lang kung kinakailangan.
- Bibigyan ng priority ng Philippine Consulate ang mga urgent cases sa passport, notary, at iba pa. Mag-request po appointment sa sumusunod na link at huwag kalimutang i-click ang “SUBMIT”:
- Bukas ang Philippine Consulate para sa mga may appointment at para sa mga magke-claim ng dokumento (releasing) tuwing Lunes, Martes, Huwebes at Biyernes, mula 10AM hanggang 3PM.
- Maglalabas ng bagong appointment slot para sa darating na linggo tuwing Huwebes ng 9AM.
- Kung may emergency gaya ng pagkamatay, human trafficking, o Violence Against Women and Children, tumawag agad sa consular hotline (079-1369114) o sa labor hotline (077-9553147). Para masigurong bukas ang telepono para sa tunay na emergency, magpadala po ng email para sa ibang katanungan sa at/o This email address is being protected from spambots. You need JavaScript enabled to view it..
Marami pong salamat! Mag-ingat tayong lahat.